
Bodyguard ni-Byeon Woo-seok, nagmulta dahil sa 'sobrang proteksyon'
Seoul, South Korea - Isang security guard at ang ahensyang kinabibilangan nito ang pinagmulta ng korte dahil sa insidenteng kinasangkutan nila habang nagbabantay sa sikat na aktor na si Byeon Woo-seok.
Noong Hulyo ng nakaraang taon, habang papunta si Byeon Woo-seok sa Hong Kong para sa isang fan meeting, dagsa ang mga fans sa Incheon International Airport. Sa gitna ng pagdagsa, isang security personnel (A) ang napag-alamang gumamit ng malakas na flashlight na itinutok sa ibang mga pasahero, na lumampas umano sa saklaw ng kanilang tungkulin.
Idiniin ng korte na ang paggamit ng ilaw ng flashlight sa paraang iyon ay maituturing na pisikal na aksyon na hindi saklaw ng tungkuling panseguridad. Binigyang-diin din na kahit pa nais ng aktor na maging pribado sa pamamagitan ng pagsusuot ng sumbrero o maskara, ang pagtutok ng flashlight sa mga ordinaryong tao na walang malisya ay hindi naaangkop, lalo na't kinompronta niya ang mga ito sa kanyang paglalakbay.
Dahil dito, hinatulan ang security guard A at ang security company B ng tig-isang milyong Korean Won (katumbas ng halos ₱40,000) na multa. Isinaalang-alang din ng korte ang kawalan ng dating record ng mga nasasakdal at ang kanilang pangakong hindi na uulitin ang pagkakamali.
Maraming Korean netizens ang nagbigay ng iba't ibang opinyon sa desisyon ng korte. May mga nagsasabi na nararapat lang ang multa para hindi na maulit ang ganitong insidente, habang ang iba naman ay nagsasabing ang kasikatan ni Byeon Woo-seok ang dahilan kung bakit kailangan ng mahigpit na seguridad, ngunit hindi dapat idamay ang ibang tao.